Monday, April 10, 2006

si brenda ang bidang kontrabida

ang nakaraan:

sa pagpipilit ni brenda na siya ang nasa tama, isa isa na siyang nilayuan ng kanyang mga kaibigan. at bago pa siya maunahan ng kanyang ex-friends sa iniisip niyang paghihiganti ng mga ito sa kanya nagsimula na siyang magisip kung paano siya makaka-resbak sa mga ito.

pero sa dami ng kasamaang naiisip ni brenda na gagawin niya sa ibang tao, gumawa na siya ng isang checklist dahil mahirap nang may makalimutan siya...


things to do today:

1.) manlait ng tao (check)
2.) look somebody down from head to toe (check)
3.) ikwento ang sinabi ni annie na sinabi niya kay donna na sinabi niya kay lara tungkol kay bea. ikalat pa ito sa ibang kakilala namin (check)
4.) magkalat ng false info tungkol kay david - na isa siyang mahirap at nagpapangap. (check)
5.) sunugin ang bahay ko para makakuha ng insurance.
6.) mag-hire ng detective na mag-spy kay regina. (check)
7.) tangalan ng brake ang sasakyan ni boss.
8.) connive with budoy para pabagsakin si keanna.
9.) ipapulot ang bracelet kay analiza sa putikan sa pamamagitan ng kanyang mga ngipin.
10.) kumuha ng ka-look alike para magpangap na ako (check)
11.) patirin si eloisa (check)
12.) i-perfect ang halakhak ng tagumpay...mwahahaha (check)
13.) ibili ng regalo si rhoda - kunwari mabait ako sa kanya (check)
14.) magkunwaring hinimatay at umakap kay marco na timing na makikita ni lulu (check)
15.) basahin ang diary ni gary sa ilalim ng unan niya (check)
16.) idelete ang file para sa presentation bukas ni vivian (check)

magtagumpay kaya siya sa mga masama niyang balakin? maniwala kaya ang mga tao sa kanyang tsismis? sa kanyang pagpapanggap? maalala kaya ni brenda na pira-pirasuhin at sunugin ang listahan niya bago mahuli ang lahat?

3 comments:

chel said...

you make me laugh mwahahahaha, nanonood ka ba ng gulong ng palad? karma karma lang yan

Bad Blood Kramic said...

effective ang nos 1, 4, 5, 7, 9, 12, 13, 15 (ala mara clara days) at 16 pero mas astig pag gagayahin si cherry gil sa bituing walang ningning kung tatapunan mo ng asido sa harap ng maraming tao ang kaaway mo at sabay sabing "you're nothing but a second rate trying hard copycat" astig to at sabay alis at sabing ooppps kaw kasi KFC e ala Keanna :)

kalypso said...

nyahahahaha!